K.O.S. CK2RBO Hello Kitty Online Rohan Grand Chase Crazy Kart RF Online Perfect World Flyff Ragnarok Online Level Up! Global Games






ANGKAS NA SA OVERCOOL AT OVERSAYA NA CRAZYKART OVERDRIVE!


FEATURES

IMPROVED MAPS!

Ang mga paborito mong CrazyKart at CK2RBO maps nasa CrazyKart Overdrive lahat. Kung gusto mo ng seryosong karerahan o gusto mo lang makipag-kulitan, may map na pasok sa trip mo.

MORE AVATARS! MORE KARTS!
Abangan ang pagdating ng mga bagong cool, cute at sexy avatars sa CrazyKart Overdrive, pati na rin ang pagbulusok ng astig at super bilis na bagong karts! Check out a sneak peak of what’s in store…

Si Sean… ang macho gwapitong cowboy. Mabilis sa kalsada, mabilis din sa chicks! Sweet, sexy at pasaway! Kaila is one hot race chick. Sa kanyang bilis at galaw, lahat napapa-wow! Walang sinasanto si Racer Han, lahat ng kalaban kaya ‘nyang sagasaan! Mabilis at matinik, kahit daang maliit kaya ‘nyang sumingit!

RACE TEAM FORMATION
Tawagin na ang tropa at magbuo ng sarili nyong race teams! Sa CrazyKart Overdrive, pwede kang makipagkwentuhan sa teammates mo through the team chat o makipagpasiklaban sa ibang mga teams para malaman kung sino ang tunay na mga hari ng daan.

BOSS CHASE BATTLE
Gusto mo ba ng mas mataas na EXP? Race with your friends and beat the boss to earn ranks and level up faster!

Kaya mo bang pataubin ang English-speaking na kontrabidang si Boy Mata? Patunayan mo sa Boss Chase Battle!

LICENSE UPGRADE
Ang tunay na bida sa CrazyKart Overdrive, may lisensya! Magpa-level hanggang 40, kumuha ng License Upgrade Card at kumpletuhin ang mission race para makakuha ng overcool level 1 Professional License. Kapag nag-level 50 ka, pwede ka naman makakuha ng level 2 Professional License. At dahil sikat ka, magkakaron ka din ng increased handling at permanent discounts sa item mall!

Overcool ka kapag meron ka nito. Kaya go, go, go na sa pagpapa-level hanggang umabot ng level 40 at 50!

AFTER RACE LOTTERY
Ang CrazyKart Overdrive player na laging naglalaro, palagi ding sinuswerte! Get a chance to win random items whenever you complete a race.



MARRIAGE SYSTEM
Panahon na para pagtibayin ang inyong pag-iibigan at ipaalam sa buong CrazyKart ang inyong pagmamahalan! Pwede na mag-propose at pakasalan ang iyong CrazyKart Overdrive race partner!

Makipag-sumpaan sa dambana kay sweetie with CrazyKart Overdrive’s new marriage system!



Magpakasal in style! Choose from a selection of wedding karts at mag-drive kayo ni mahal sa hirap at ginhawa.

Pero hindi lang yan…

3x EXP FOR TWO WEEKS!
May 3x EXP ang CrazyKart Overdrive mula ngayon hanggang September 27. Kaya habol, habol, habol na!

OVERCOOL, OVERSAYA RAFFLE PROMO
At para i-celebrate ang launch ng bagong CrazyKart Overdrive, mamimigay kami ng super sleek karts every week. Kaya sumali na agad kayo dahil hanggang October 10 lang ‘to! Check out the Forums for more details.

Ang saya ‘di ba?! Kaya dali, mag-download at maglaro ngayon din!

Para sa marami pang updates sa mas makulit at mas pinasaya na pambansang online racing game ng Pilipinas, ugaliing mag-login sa CrazyKart Overdrive Forums.

CrazyKart Overdrive. Overcool! Oversaya! Angkas na!